Huwebes, Agosto 27, 2015

Mga Isyung Panlipunan: Aking Tugon





                        TALUMPATI: Mga Isyung Panlipunan




          Kabilang ako sa modernong panahon, ipinanganak sa kanlungan ng makabagong mundo, namulat ang aking mga mata sa mga “hi-tech” na kagamitan. Lingid sa aking kaalaman ay may mga bagay pa pala akong dapat malaman at matutunan na may kinalaman sa ating lipunan. Mga isyung panlipunan. Tinanong ko ang aking sarili. Paano ako tutugon sa mga isyu ng lipunan kung hindi ko alam ang mga ito? Paano ko maipahahayag ang aking mga saloobin tungkol dito. Puro nalang ako paano. Sisimulan ko nalang muna sa ano. Ano kaya ang mga isyung panlipunan? Ano ang nararapat kong gawin upang sa maliit man lamang na paraan ay matutungan ko ang aking bansa na bigyan ito ng solusyon? Ako, ay nasa inyong harapan upang ibahagi ang aking nakuhang kaalaman at aking mga nalalaman.


          Ang kahirapan ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao na wala ni isang halaga ng mga pag-aaring materyal o salapi. Ito ay laganap sa ating bansa. Mayroong mga hakbang na ginagawa ang pamahalaan upang sugpuin ito ngunit sadyang hindi ito matapos-tapos. Bilang isang kabataan ay mayroon akong magagawa hinggil dito. Alam ko ay halos pare-pareho lang ang mga kasagutan hinggil sa isyung ito, tulungan ang mga kapus-palad, ang mga walang-wala. Yun naman talaga para sa akin ang pinakamabisang paraan upang tuligsain ito ngunit kailangan din naman nilang tumayo sa sarili nilang mga paa at hindi nalang puro asa sa ibang tao. Edukasyon, isa rin ito sa mga isyu sa lipunan, ika nga, "Ang Kabataan ay Pag-asa ng Bayan" ngunit maraming kabataan ang hindi nakakapag-aral. May mga programa ang pamahalaan ukol sa isyung ito. Ako din ay may tugon sa isyung ito. Ang mga kabataang ito ay maaari kong tulungan sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila. Pagbigay sa kanila ng mga kaalaman na dapat nilang malaman at matutunan. Upang sa paglaki nila ay may maibabahagi sila sa kanilang mga anak sa darating pang mga henerasyon.


          Maraming taon na ang lumipas ngunit ngayon ko lamang nalaman ang kahalagahan ng pagiging maalam tungkol sa aking bayan. Sa pagtatapos ng talumpating ito ay tanging maipapabaon ko lamang ay ang katagang, "Magsumikap kayo upang ang buhay ninyo ay umunlad at magbago.